- Nag-tetext habang nakikipag usap sa ibang tao.
- Nag-babasa habang nakikinig ng radyo.
- Nag-aaral habang nanonood ng telebisyon.
- Nag-susurf sa internet habang nakikinig ng musik.
- Nakikinig ng musik habang nag aaral.
- Nag-tetext habang gumagawa ng asignatura.
Wednesday, March 7, 2007
Ano nga ba ang Multitasking?
Impluwensya ng Telebisyon, Cellphone at kompyuter sa mga kabataan
Impluwensya ng Telebisyon, Cellphone at kompyuter sa mga kabataan
Ang impluwensya ng telebsyon sa mga kabataan ay may negatibo at positibo na epekto. Sa telebisyon sinasabi ng mga eksperto na kapag ang mga kabataan ay nanonood ng masyadong mga bayolente na palabas sila ay may tendency na maging bayolente sa kanilang pamimuhay. Maaring sila ay maging mahilig makipag away o’ makipagsuntutkan. Mga kantang may mga sexual na lyrico na kanilang napapanood at nakikita sa MTV ay masama rin dahil sila ay maaring mamulat kaagad sa sex at sinasabi na ang mga kabataan na nakakpanood ng ganito ay nakikipagtalik na kaagad dahil ito ay kanilang nakikita at naririnig sa mga lyrico ng kanta. Madali rin makaimpluwensya ang mga commercial sa T.V lalo na ang mga commercial na may mga mapapayat at sexy na modelo. Ang mga kabataan na nakaknood nito ay nahuhumaling sa magandang katawan ng mga modelong ito at sila ay paminsan nagiging anorexic dahil kapag nakikita nila ang mga ganito kapayat na katawan gusto nila maging ganito rin katulad nila.
Mayroon din naman itong positibong epekto kagaya ng mga isang “ad” ni Joyner Kersee na nanalo ng gold medal sa track and field. Siya ay modelo ng isang magasin hindi mamahalin ang kanyang suot at para lang siyang normal na tao. Ipinapakita nito na ang mga kabataan ay dapat mahumaling nalang sa mga isports at wag na sa ibang bagay tulad ng drugs at pagiinom. Ang pangalawa na malakas makaimpluwensya sa mga kabataan ay ang kompyuter sinasabi na kapag an gang bata ay masyadong gumagamit ng kompyuter siya ay bumabagal sa kanyang mga gawain sa eskwelahan. May nagsasabi na kapag ang bata ay masyadong nasa harap ng kompyuter palagi nagiging bobo ito sa academic niya na pagaaral katulad ng math at reading.
Ang kompyuter sa bahay ay may negatibong epekto dahil kadalasan hindi na makausap ng magulang ng maayaos ang kanyang anak dahil ito ay naglalaro o’ may ka chat maari rin magamit ang internet sa pornography at iba pang mga bagay na hindi karapat dapat sa kabataan. Mas pinipili ng mga kabataan ang maglaro sa kompyuter imbes na magamit ito sa pagaaral. Ngunit may mga positibo rin itong epekto kapagito ay gagamitin sa maayos na paraan katulad ng pwede mapadali ang isang research na papel dahil sa internet access nito. Hindi na mahirap maghanap ng kailangan dahil isang type lang lalabas na lahat ng website kung saan ito mahahanap. Ang panghuli na mabilis makaimpluwensya ay ang cellphone halos lahat ng kabataan ngayon ay may cellphone paminsan hindi lang iisa mayroon dalawa pa o’ higit pa. ang cellphone ngayon ay ang isa sa pinakamagaling na naimbento para mapadali angbuhay ng mga tao ngunit ang mga kabataan ay nakakhanap ng paraan para ito ay magamit sa masamang paraan.
Ang text messaging ang pinaka-popular na ginagamit para makipagusap dahil kahit ilan maaari mong makausap gamit ito ng isang araw. Mayroon insidente na ang estudyante at ang kanyang guro ay nagkaroon ng relasyon sa pamagitan ng text. Sila ay nakapagusap pagkatapos ng klase gamit ito ng walang nakakaalam. Maari rin gamitin ang text sa pangongopya sa mga pagsusulit sa eskwela dahil kung ikaw ay mabilis magtext at kahit hindi ka na tumingin ay mahirap ka talaga mahuli ng guro. Sinasabi na kapag ikaw ay may walang cellphone hindi ka “in” ikaw ay mamaliitin ng mga tinedyer na mayroon. Nakakaroon ng tendency ang kabataan na maramdaman na sila ay outcast o’ hindi “cool”.
May mga positibo rin na epekto ang cellphone dahil may
Multi-task Survey para sa mga Kabataan
- Sa anong paraan ka na impluwensiyahan ng pagiging multi-task?
- Saan ka masmadaling nakakapag-aral? Kapag ba…
- Ano ang hilig mong gawin ng sabay?
- Maliban ba sa pag-aaral mo ay nakamulti-task ka rin ba sa ibang gawain?
- Mas nag-eenjoy ka ba kapag multi-task ang gawain mo?
- Nakakatulugan mo ba ang multi-task na gawain?
- Ilang beses ka nagmumulti-task?
Talli | Porsiyento | |
1. Sa anong paraan ka na impluwensiyahan ng pagiging multi-task? | ||
sa mga kaibigan | IIIII-IIIII | 28% |
sa mga magulang | IIIII-IIII | 25% |
sa mga guro | 0% | |
sa mga kamag-aral | IIII | 11% |
natutunan lamang sa sarili | IIIII-IIIII-IIIII-III | 51% |
2. Saan ka masmadaling nakakapag-aral? Kapag ba… | ||
may radio | IIIII-IIIII-I | 31% |
nagtetext | IIIII-IIIII-IIII | 40% |
may ipod | IIIII-IIIII | 28% |
nagcocomputer (chat, friendster, and etc.) | IIIII-I | 17% |
nanonoood ng t.v. | IIIII-II | 20% |
3. Ano ang hilig mong gawin ng sabay? | ||
nagtetext habang may radio | IIIII-IIIII-III | 37% |
nagtetext habang nagcocomputer | IIIII-IIIII | 28% |
nagtetext habang nanonood ng t.v. | IIIII-IIIII-IIIII-I | 45% |
nanonood ng t.v habang nakikinig ng radio | II | 5 |
nanonood ng t.v habang nagcocomputer | IIIII-IIII | 25% |
4. Maliban ba sa pag-aaral mo ay nakamulti-task ka rin ba sa ibang gawain? | ||
oo | IIIII-IIIII-IIIII-IIIII-IIIII-IIIII-III | 94% |
hindi | III | 8% |
5. Mas nag-eenjoy ka ba kapag multi-task ang gawain mo? | ||
oo | IIIII-IIIII-IIIII-IIIII-IIIII-IIII | 82% |
hindi | IIIII-II | 20% |
6. Nakakatulugan mo ba ang multi-task na gawain? | ||
oo | IIIII-IIIII-IIIII-IIIII-IIIII-I | 74% |
hindi | IIIII-IIIII-I | 31% |
7. Ilang beses ka nagmumulti-task? | ||
palagi | IIIII-IIIII | 28% |
madalas | IIIII-IIIII-IIIII | 42% |
paminsan-minsan | IIIII-IIIII | 28% |
` | Talli | Porsiyento |
1. Sa anong paraan ka na impluwensiyahan ng pagiging multi-task? | ||
natutunan lamang sa sarili | IIIII-IIIII-IIIII-III | 51% |
2. Saan ka masmadaling nakakapag-aral? Kapag ba… | ||
nagtetext | IIIII-IIIII-IIII | 40% |
3. Ano ang hilig mong gawin ng sabay? | ||
nagtetext habang nanonood ng t.v. | IIIII-IIIII-IIIII-I | 45% |
4. Maliban ba sa pag-aaral mo ay nakamulti-task ka rin ba sa ibang gawain? | ||
oo | IIIII-IIIII-IIIII-IIIII-IIIII-IIIII-III | 94% |
5. Mas nag-eenjoy ka ba kapag multi-task ang gawain mo? | ||
oo | IIIII-IIIII-IIIII-IIIII-IIIII-IIII | 82% |
6. Nakakatulugan mo ba ang multi-task na gawain? | ||
oo | IIIII-IIIII-IIIII-IIIII-IIIII-I | 74% |
7. Ilang beses ka nagmumulti-task? | ||
madalas | IIIII-IIIII-IIIII | 42% |
Ang Kaibahan Ng Generation M (Generation Media) Sa Ibang Henerasyon o May Kaibahan Nga Ba?
Ang Kaibahan Ng Generation M (Generation Media) Sa Ibang Henerasyon o May Kaibahan Nga Ba?
“Generation M” o “Generation Media” ay ang katawagan sa kasalukuyang panahong ito kung saan madalas ang paggamit ng kabataan ng media o mga makabagong paraan ng pag-sakop ng impormasyon. Ayon sa Kaiser Family Foundation sa Amerika, base sa resulta ng kanilang masinsinang pag-aaral tunkol sa pag-uugali ng mga kabataan ngayon, ang batang nasa 8 hanggang 11 taong gulang ay masyado ng maraming alam at madalas na rin sa paggamit ng nasabing media. “Ang media ang sentro ng buhay ng mga kabataan ngayon,” sabi sa kanilang resirts. Hindi sila nabahala sa naging resulta ng kanilang pag-aaral, ngunit para malaman na nagsimula pa ang ganitong kaugalian ng mga kabataan mula 1999 ay ang kinabahala nila.
Masasabi nga ba na dito rin sa Pilipinas ay sagana ito? Ayon sa pag-aaral ni Gerry Lanuza ng UP, Diliman, 2003, ngayon raw ang pagusbong ng tinatawag na “cybersociety” o ang pagkahilig ng kabataan sa mga komputers o biswal na pamamaraan ng pagsasaya (paglalaro ng mga computer games, chat, text messages). Masyado ng nagiging depende ang kabataan sa nadudulot na kasiyahan ng mga biswal na teknolohiya ngayon.
Malaking pagbabago ang naidulot ng naturang panahon na ito hindi lang sa buhay ng kabataan, kundi sa kultura na rin ng bansa. Hindi lamang itong Generation M nagsimula ang ganitong sistema ng buhay, ngunit mula pa noong maagang 90’s.
“MTV Generation” o ang pagkahilig ng kabataan sa musika at bidyo ay nagsimula noong late 1980’s hanggang 1990’s. Sinundan naman kaagad nito ng “Generation Y” o ang “World Wide Web Generation” kung saan ito ang panahon ng mga Komputers o Internet. Nagsimula ang henerasyon na ito noong late 1991 hanggang 2001. Sinasabi na sa mga panahong ito, masyadong nadala ang atensyon ng kabataan sa paggamit ng komputers, at sa pag bisita sa iba’t –ibang sites sa internet. Sumunod naman ang iGeneration o ang “MySpace Generation”. Dito naman sa panahong ito makikita ang pagkahilig ng kabataan sa komunikasyong internet. Maraming services ang naibibigay ng internet sa henerasyon na ito tulad ng pagsasaliksik sa mga search engines, image boards at You Tube. Taong 2000 at hanggang ngayon pa ay kinokonsidera ito.
Nasaksihan sa pag-aaral ni Gerry Lanuza (UP, Diliman) na halos wala masyadong pagkakaiba ang mga nakalipas na henerasyon sa Generation M na sinasabing henerasyon ng kabataan ngayon. Kanyang nalaman na ang tanging pagkakaiba lang nila ay mas naging maunlad ang teknolohiya nagayon at mas nagagawa ng kabataan ng sabay ang maraming bagay ( halimbawa nalang ang pakikinig ng ipod habang nagkokomputer o nag-cha-chat).
Nagkaroon ang Assumption students ng isang pag-aaral tungkol sa mga kabataang nasa Generation M at doon sa mga nabubuhay pa rin sa mga nakaraang henerasyon. (Generation X, Y, Z)
Ang naging resulta:
Ayon sa pag-aaral na ito, nakita na si Anika ay nabubuhay na sa Generation M kung saan ang hilig niya ay ang paggamit ng iba’t-ibang matataas na uri ng media ng sabay-sabay. Napansin na sa buong maghapon ay nakaka konsumo siya ng malaking oras sa pagg-iinternet lang o sa kung ano pang gawaing pang-media. Samantalang si Edson ay mukhang hindi pa rin nakaka-alis sa ibang henerasyon (MTV generation) dahil hilig pa rin niya ang panonood ng MTV at ang hindi masyadong pagkahilig sa pagtetext o pag cha-chat. Nakita rin na hindi hadlang ang kalagayan mo sa buhay sa pagsunod sa agos ng panahon, nasa tao pa rin ang desisyon kung gugustuhin mo bang sumunod o hindi.
Ibiig sabihin lang nito na posibleng may mga kabataan pa rin ngayon na nakahihiligan ang mga nakaraan ng usong gawain. Masasabi natin na maliit lamang ang sakop na bilang nila sa ating lipunan ngunit, hindi pa rin talaga lahat ay napapasunod ng teknolohiya dahil na rin sa ibang kabataang hindi kaya ang makabili ng mga maka-mediang kagamitan.