Wednesday, March 7, 2007

Ang Kaibahan Ng Generation M (Generation Media) Sa Ibang Henerasyon o May Kaibahan Nga Ba?

Ang Kaibahan Ng Generation M (Generation Media) Sa Ibang Henerasyon o May Kaibahan Nga Ba?

“Generation M” o “Generation Media” ay ang katawagan sa kasalukuyang panahong ito kung saan madalas ang paggamit ng kabataan ng media o mga makabagong paraan ng pag-sakop ng impormasyon. Ayon sa Kaiser Family Foundation sa Amerika, base sa resulta ng kanilang masinsinang pag-aaral tunkol sa pag-uugali ng mga kabataan ngayon, ang batang nasa 8 hanggang 11 taong gulang ay masyado ng maraming alam at madalas na rin sa paggamit ng nasabing media. “Ang media ang sentro ng buhay ng mga kabataan ngayon,” sabi sa kanilang resirts. Hindi sila nabahala sa naging resulta ng kanilang pag-aaral, ngunit para malaman na nagsimula pa ang ganitong kaugalian ng mga kabataan mula 1999 ay ang kinabahala nila.

Masasabi nga ba na dito rin sa Pilipinas ay sagana ito? Ayon sa pag-aaral ni Gerry Lanuza ng UP, Diliman, 2003, ngayon raw ang pagusbong ng tinatawag na “cybersociety” o ang pagkahilig ng kabataan sa mga komputers o biswal na pamamaraan ng pagsasaya (paglalaro ng mga computer games, chat, text messages). Masyado ng nagiging depende ang kabataan sa nadudulot na kasiyahan ng mga biswal na teknolohiya ngayon.

Malaking pagbabago ang naidulot ng naturang panahon na ito hindi lang sa buhay ng kabataan, kundi sa kultura na rin ng bansa. Hindi lamang itong Generation M nagsimula ang ganitong sistema ng buhay, ngunit mula pa noong maagang 90’s.

“MTV Generation” o ang pagkahilig ng kabataan sa musika at bidyo ay nagsimula noong late 1980’s hanggang 1990’s. Sinundan naman kaagad nito ng “Generation Y” o ang “World Wide Web Generation” kung saan ito ang panahon ng mga Komputers o Internet. Nagsimula ang henerasyon na ito noong late 1991 hanggang 2001. Sinasabi na sa mga panahong ito, masyadong nadala ang atensyon ng kabataan sa paggamit ng komputers, at sa pag bisita sa iba’t –ibang sites sa internet. Sumunod naman ang iGeneration o ang “MySpace Generation”. Dito naman sa panahong ito makikita ang pagkahilig ng kabataan sa komunikasyong internet. Maraming services ang naibibigay ng internet sa henerasyon na ito tulad ng pagsasaliksik sa mga search engines, image boards at You Tube. Taong 2000 at hanggang ngayon pa ay kinokonsidera ito.

Nasaksihan sa pag-aaral ni Gerry Lanuza (UP, Diliman) na halos wala masyadong pagkakaiba ang mga nakalipas na henerasyon sa Generation M na sinasabing henerasyon ng kabataan ngayon. Kanyang nalaman na ang tanging pagkakaiba lang nila ay mas naging maunlad ang teknolohiya nagayon at mas nagagawa ng kabataan ng sabay ang maraming bagay ( halimbawa nalang ang pakikinig ng ipod habang nagkokomputer o nag-cha-chat).

Nagkaroon ang Assumption students ng isang pag-aaral tungkol sa mga kabataang nasa Generation M at doon sa mga nabubuhay pa rin sa mga nakaraang henerasyon. (Generation X, Y, Z)

Ang naging resulta:

Anika Valdez - 15 taong gulang, Las pinas

  • Nag-aaral sa private school
  • May kaya ang pamilya
  • May sariling computer at cellphone
  • May ipod at laptap

Edson Lim -17 taong gulang, Las pinas

  • Nag-aaral sa private school
  • May kaya ang pamilya
  • May sariling computer at cellphone
  • Walang laptap

-Mahilig mag computer: 3-4 oras isang araw

  • Friendster account
  • Multiply account/blog account
  • Yahoo messenger

May computer pero hindo masyado mahilig mag-chat at walang friendster o yahoo messenger account

-mahilig mag cellphone/text

-mas mahilig manood ng MTV

- mahilig mag down load ng mg akanta sa internet

-mahilig mag computer games (online games)

-hindi adik texter

Mga kayang gawin:

-nakikinig ng ipod habang nagtetext at nag cha-chat.

Nagtetext habang naka-ipod

Ayon sa pag-aaral na ito, nakita na si Anika ay nabubuhay na sa Generation M kung saan ang hilig niya ay ang paggamit ng iba’t-ibang matataas na uri ng media ng sabay-sabay. Napansin na sa buong maghapon ay nakaka konsumo siya ng malaking oras sa pagg-iinternet lang o sa kung ano pang gawaing pang-media. Samantalang si Edson ay mukhang hindi pa rin nakaka-alis sa ibang henerasyon (MTV generation) dahil hilig pa rin niya ang panonood ng MTV at ang hindi masyadong pagkahilig sa pagtetext o pag cha-chat. Nakita rin na hindi hadlang ang kalagayan mo sa buhay sa pagsunod sa agos ng panahon, nasa tao pa rin ang desisyon kung gugustuhin mo bang sumunod o hindi.

Ibiig sabihin lang nito na posibleng may mga kabataan pa rin ngayon na nakahihiligan ang mga nakaraan ng usong gawain. Masasabi natin na maliit lamang ang sakop na bilang nila sa ating lipunan ngunit, hindi pa rin talaga lahat ay napapasunod ng teknolohiya dahil na rin sa ibang kabataang hindi kaya ang makabili ng mga maka-mediang kagamitan.

2 comments:

sHeRrY said...

good that i found this bcoz it might help me in my thesis(filipino language).. I didnt read it fully yet but i noticed some parts wer cut... i also think that the othber post about TV etc will help me:)

i hope ur still active:]

sHeRrY said...

I change my mind&&my thesis title.. But I'll still b using ur entry though just not this one^^< mayb the one about multitasking?