Wednesday, March 7, 2007

Ano nga ba ang Multitasking?

MULTITASKING sa Kabataan
Ano nga ba ang Multitasking?
Ang multitasking ay ang abilidad ng isang tao o makina na gumawa ng lampas sa isang gawain o gumawa ng maraming bagay ng sabay sabay.
Mga halimbawa ng multitasking na nagagawa ng mga kabataang Pilipino.
  • Nag-tetext habang nakikipag usap sa ibang tao.
  • Nag-babasa habang nakikinig ng radyo.
  • Nag-aaral habang nanonood ng telebisyon.
  • Nag-susurf sa internet habang nakikinig ng musik.
  • Nakikinig ng musik habang nag aaral.
  • Nag-tetext habang gumagawa ng asignatura.
Ito lang ang ilan sa mga halimbawa ng multitasking na nagagawa ng mga kabataan ngayon.
Sanhi at Bunga ng pag-mumultitasking ng kabataang Pilipino.
*Kapag madaming asignatura na naibibigay sa mga estudyante, kahit gusto nila gawin ang kanilang asignatura, gusto din nila makapag relaks pag uwi ng bahay, kaya’t minsan kahit ginagawa nila ang mga dapat gawin para sa eskwela ay isinasabay nila ito sa pag nood ng telebisyon, o kaya pakikinig sa radio, o kaya pagtetext. Minsan dahil sa dami ng ipinag sasabay sabay na gawain, hindi na nagagawa ng maayos ito at minsan ay hindi natatapos.
Madalas ang pag gawa ng isang bagay ay kailangan ng buong konsentrasyon, ngunit sa multitasking, hindi maibibigay ang buong atensyon mo dahil sa madami kang ginagawa. Halimbawa nalang yung mga ipinag sasabay ang pag aaral sa pag tetext. Habang nag tetext ka, hindi malayo na makalimutan mo yung pinag aaralan mo dahil lang sa maliit na distraksyon na ito.
*May positibo ding epekto ang pag mumultitask. Madami din namang natatapos na gawain dahil sa multitasking. Ang ibang kabataan, mas nakakagawa ng mga kailangan gawin kapag ipinag sasabay nila ito sa mga hilig nila na gawain, tulad ng pag babasa at pakikinig sa musik, o kaya pakikipag usap sa telepono habang nag susurf sa internet.
Case study:
Ang aking kaibigan na si Solleil Pagkanlungan ang aking napili gawing halimbawa ng isang estudyanteng multitasker. Siya ay 20 anyos na at ang kanyang major ay Sikolohiya. Marami siyang
ginagawang asignatura sa araw araw kaya’t naobserbahan ko na itong aking kaibigan pala na ito ay isang multitasker.
Napansin ko na kahit na marami siyang ginagawa, tulad ng pagbabasa o pag-aaral, nagagawa niya pa rin makipagkwentuhan sa amin. Minsan kahit nag reresearch siya sa internet, nakakapag text pa rin siya, o kaya’y nakikipag chat. Nagagawa niyang ipag sabay sabay ang iba’t ibang gawain, ngunit minsan lang niya natatapos nang maayos ang lahat ng kailangan niya gawin. Halimbawa nalang kapag gumagawa siya ng proyekto, Minsan hindi niya ito natatapos agad kasi kung ano ano pang ibang gawain ang isinasabay niya tulad ng pag tetext, o kaya pakikipag usap sa telepono, ngunit madalas din naman ay marami siyang natatapos agad dahil sa pagiging multitasker niya. Kapag may mga proyekto at asignatura siya na kinabukasan na agad kailangan, ipinag sasabay niya gawin ang mga ito at nagagawa niya rin namang tapusin sa araw na yun kahit na marami ito. Minsan naabutan ko siyang nag aaral pero may kausap din sa cellphone, napaisip tuloy ako kung may pumapasok naman kaya sa isip niya na konektado duon sa pinag aaralan niya.
Base sa obserbasyon ko sa kanya, sa tingin ko ang pagiging multitasker ay magiging isang positibo lamang na karakteristiko kung yung tao mismo ay marunong magbigay ng konsentrasyon sa kanyang mga ginagawa, kahit gaano pa karami ito. Ang pagiging multitasker ay mahirap kung madaling ma istorbo yung konsentrasyon ng taong yun, sapagka’t hindi niya matatapos ang kanyang mga ginagawa kung hihinto siya kapag may ibang nakaka agaw ng atensyon niya.

1 comment:

sHeRrY said...

Thank God that u ever decided in blogging about this bcoz this will DEFINITELY help me in my thesis:]


TRIBUTE to u^^]