Wednesday, March 7, 2007

Multi-task Survey para sa mga Kabataan

Multi-task Survey para sa mga Kabataan
Magandang Umaga po! Ito po ay isang serbey sa Filipino para sa mga Kabataan na kung saan ay nahihilig sa mga gawain na multi-tasking. Ang Multi-tasking ay isang gawain na kung saan ay nagagawa ang magkaibang bagay ng sabay-sabay. Ang serbey na ito ay gagamitin namin upang malaman kung gaano na karami ang mga Kabataan ang nagiging multi-tasking. Paki lagyan lamang po ng check ang bawat sagot na mapipili.
  1. Sa anong paraan ka na impluwensiyahan ng pagiging multi-task?
___ sa mga kaibigan
___ sa mga magulang
___ sa mga guro
___ sa mga kamag-aral
___ natutunan lamang sa sarili
  1. Saan ka masmadaling nakakapag-aral? Kapag ba…
___ may radio
___nagtetext
___may ipod
___nagcocomputer (chat, friendster, and etc.)
___nanonoood ng t.v.
  1. Ano ang hilig mong gawin ng sabay?
___ nagtetext habang may radio
___nagtetext habang nagcocomputer
___nagtetext habang nanonood ng t.v.
___nanonood ng t.v habang nakikinig ng radio
___nanonood ng t.v habang nagcocomputer
  1. Maliban ba sa pag-aaral mo ay nakamulti-task ka rin ba sa ibang gawain?
___oo
___hindi
  1. Mas nag-eenjoy ka ba kapag multi-task ang gawain mo?
__oo
__hindi
  1. Nakakatulugan mo ba ang multi-task na gawain?
___oo
___hindi
  1. Ilang beses ka nagmumulti-task?
___palagi
___madalas
___paminsan-minsan
Resulta sa Serbey ng Multi-tasking:
Talli Porsiyento
1. Sa anong paraan ka na impluwensiyahan ng pagiging multi-task?
sa mga kaibigan IIIII-IIIII 28%
sa mga magulang IIIII-IIII 25%
sa mga guro 0%
sa mga kamag-aral IIII 11%
natutunan lamang sa sarili IIIII-IIIII-IIIII-III 51%
2. Saan ka masmadaling nakakapag-aral? Kapag ba…
may radio IIIII-IIIII-I 31%
nagtetext IIIII-IIIII-IIII 40%
may ipod IIIII-IIIII 28%
nagcocomputer (chat, friendster, and etc.) IIIII-I 17%
nanonoood ng t.v. IIIII-II 20%
3. Ano ang hilig mong gawin ng sabay?
nagtetext habang may radio IIIII-IIIII-III 37%
nagtetext habang nagcocomputer IIIII-IIIII 28%
nagtetext habang nanonood ng t.v. IIIII-IIIII-IIIII-I 45%
nanonood ng t.v habang nakikinig ng radio II 5
nanonood ng t.v habang nagcocomputer IIIII-IIII 25%
4. Maliban ba sa pag-aaral mo ay nakamulti-task ka rin ba sa ibang gawain?
oo IIIII-IIIII-IIIII-IIIII-IIIII-IIIII-III 94%
hindi III 8%
5. Mas nag-eenjoy ka ba kapag multi-task ang gawain mo?
oo IIIII-IIIII-IIIII-IIIII-IIIII-IIII 82%
hindi IIIII-II 20%
6. Nakakatulugan mo ba ang multi-task na gawain?
oo IIIII-IIIII-IIIII-IIIII-IIIII-I 74%
hindi IIIII-IIIII-I 31%
7. Ilang beses ka nagmumulti-task?
palagi IIIII-IIIII 28%
madalas IIIII-IIIII-IIIII 42%
paminsan-minsan IIIII-IIIII 28%
Serbey sa Multi-tasking
Ang Multi-tasking ay isang gawain na kung saan ay kayang gawin ang magkaibang bagay ng sabay-sabay. Ito ay isang gawain na kung saan ay kinahihiligan na mga kabataan sa panahong ito. Ang Serbey na Multi-tasking ay makakatulong upang malaman at mapatunayan kung gaano sa kasalukuyang panahon na ito karami ang mga kabataan na nagmumulti-tasking na. Isang paraan din sa serbey na ito ay upang malaman kung ano na rin bang kayang gawin ng mga kabataan ngayon. Sa pamamagitan ng pag-aaral sa serbey na ito ay malalaman din kung talaga bang sumusunod din ang pagbabago ng mga kabataan ayon sa pagbabago ng panahon o mga dumadaan na taon. Malaking tulong ang magagawa ng serbey na ito na matukoy kung gaano na ba kaiba sa panahon na ito ang mga kabataan kaysa sa panahong o taon na nagdaan.
Ang serbey na ito ay pinasagutan sa mga mag-aaral na nasa Unang Antas sa Kolehiyo ng Assumptionista, isa na rito ay ang mga Media Production, Psychology, at marami pang iba. Napili ng mga mananaliksik ang mga Unang Antas sa Kolehiyo ng Assumptionista ay dahil sa mas aktib o mas masagana sila sa mga gawaing ito. Nakapokus lamang ang mga mananaliksik sa sakop o sa edad ng mga nasa Unang Antas sa Kolehiyo ng Assumptionista. Ang serbey na ito ay naglalaman ng mga katanungan na nauukol sa multi-tasking na gawain na kung saan ay ilan sa mga kabataan ay makakareleyt sa mga gawain na nararanasan nila sa kasalukuyang panahong ito.
Ayon sa mga mananalisik ito ang lumabas na resulta sa kanilang sinagawang serbey at nakatala ditto ang mga sagot ng mga kabataan na nakakuha ng mataas na pordiyento tungkol sa Multi-tasking.
` Talli Porsiyento
1. Sa anong paraan ka na impluwensiyahan ng pagiging multi-task?
natutunan lamang sa sarili IIIII-IIIII-IIIII-III 51%
2. Saan ka masmadaling nakakapag-aral? Kapag ba…
nagtetext IIIII-IIIII-IIII 40%
3. Ano ang hilig mong gawin ng sabay?
nagtetext habang nanonood ng t.v. IIIII-IIIII-IIIII-I 45%
4. Maliban ba sa pag-aaral mo ay nakamulti-task ka rin ba sa ibang gawain?
oo IIIII-IIIII-IIIII-IIIII-IIIII-IIIII-III 94%
5. Mas nag-eenjoy ka ba kapag multi-task ang gawain mo?
oo IIIII-IIIII-IIIII-IIIII-IIIII-IIII 82%
6. Nakakatulugan mo ba ang multi-task na gawain?
oo IIIII-IIIII-IIIII-IIIII-IIIII-I 74%
7. Ilang beses ka nagmumulti-task?
madalas IIIII-IIIII-IIIII 42%
Para sa unang katanungan ang nakakuha ng pinakamataas na porsiyento ay ang pagkatuto ng mga kabataan ng Multi-tasking mula sa kanilang sarili. Lumabas sa serbey na ito na maraming kabataan na ang gumagawa ng mga multi-tasking sa kani-kanilang pang-araw-araw na buhay. Mahigit sa mga kabataan ay natutunan nila ang pagiging multi-tasking sa kanilang sarili lamang na kung saan ay masasabing kasunod na ng panahon ang pagbabago ng mga kabataan depende sa mga bagay na nakapaligid sa kanila. Sa ikalawa, ang mataas na porsiyento ay ang pagtetext habang nag-aaral. Sa katanuyan makikita sa resultang ito na kaya na ng mga kabataan na gumawa ng ibang gawain at ibigay ang kanilang atensyon sa parehong bagay na kanilang ginagawa. Sa ikatlo, ang porsiyentong nakuha nang nagtetext habang nanonood ng telebisyon ay mataas kaysa sa ibang gawain. Sa katunayan ito ay halos kaparehas lamang sa ikalawang katanungan kaya lang ang pinagka-iba ay ang gawain. Sa pang-apat, ang sagot na oo ang nakuha ng mataas ng porsiyento. Kung titignan at susuriin ito masasabi na di lang pala sa pag-aaral nagmumulti-tasking ang mga kabataan pati na rin sa ibang gawin. At dahil dito ang mga kabataan sa ngayon ay makabago na talaga. Sa ikalimang tanong ng serbey ang oo ulit ang may mataas na porsiyento na kung saan ay marami sa kabataan ang nag-eenjoy kapag sila ay nakamulti-tasking sa kanilang gawain. Sa ikaanim na tanong oo pa rin ang may mataas na porsiyento, ayon sa mga ilang kabataan na masayang gumagawa ng Multi-tasking, masasabi pa rin na nakakatulog sila kahit papaano at alam pa rin nila kung kailan ititigil ang gawaing Multi-tasking. Ang pinakahuling lumabas sa resulatang ito ay ang tanong sa pangpito, na kung saan ay tinanong ang mga kabataan kung sila ba ay palagi, madalas, o paminsan-minsan lang sila nagmumulti-task at mahigit sa mga kabataan ang sinagot ay madalas na kung saan ay kahit na nag-eenjoy sila sa gawaing multi-tasking ay may mga oras din na humihinto at tinutuon ang ibang atensyon na hindi masyadong na nakamulti-tasking.
Analysis
Ayon sa pag-aaral ng mga mananaliksik, natuklasan nila ang pagiging Multi-tasking ng mga kabataan ay galing sa panahon na kanilang nararanasan. Lumabas din sa pag-aaral na ito na ang pababago ng mga panahon ay nakakapagdulot sa mga tao ng malaking epekto. Nasabi ito ng mga mananaliksik ay dahil sa mga panahon na nagdaan ay kasabay din nito ang mga mamayan at lalong-lalo na ang mga kabataan na nagbabago. Sa patuloy na rin ng pagdagsa ng mga makabagong kagamitan kaya ang mga kabataan ay nakakagawa ng mga ibang bagay na gawain at isa na nga rito ay ang Multi-tasking.
Konklusyon
Kapansin-pansin na ang serbey na isinagawa ng mga mananaliksik ay nakagpagbigay liwanag at kaalaman kung bakit ang mga kabataan sa panahong ito ay kakaiba na kung ikukumapara sa dating panahon. Sa panahong ito marami na talagang kayang gawin ang mga kabataan. Hindi tuloy akalain ng mga mananaliksik na ang ganitong klasing gawain ay kahihiligan ng mga kabataan lalo na sa edad nila na masgusto ang gawing sabay-sabay at maibigay ang kanilang atensyon sa magkaibang bagay na gawin.



2 comments:

sHeRrY said...

Thank God that u ever decided in blogging about this bcoz this will DEFINITELY help me in my thesis:]


TRIBUTE to u^^]

xistushacker said...

Harrah's Atlantic City - Hotels - MJH
Located at the north end 계룡 출장안마 of Atlantic City's Boardwalk, Harrah's Resort Atlantic City is within 김포 출장샵 a 15-minute drive of The 김제 출장샵 Orleans Canal 광주 출장샵 Shoppes and Casino. 오산 출장마사지 The