Wednesday, March 7, 2007

Impluwensya ng Telebisyon, Cellphone at kompyuter sa mga kabataan

Impluwensya ng Telebisyon, Cellphone at kompyuter sa mga kabataan

Ang impluwensya ng telebsyon sa mga kabataan ay may negatibo at positibo na epekto. Sa telebisyon sinasabi ng mga eksperto na kapag ang mga kabataan ay nanonood ng masyadong mga bayolente na palabas sila ay may tendency na maging bayolente sa kanilang pamimuhay. Maaring sila ay maging mahilig makipag away o’ makipagsuntutkan. Mga kantang may mga sexual na lyrico na kanilang napapanood at nakikita sa MTV ay masama rin dahil sila ay maaring mamulat kaagad sa sex at sinasabi na ang mga kabataan na nakakpanood ng ganito ay nakikipagtalik na kaagad dahil ito ay kanilang nakikita at naririnig sa mga lyrico ng kanta. Madali rin makaimpluwensya ang mga commercial sa T.V lalo na ang mga commercial na may mga mapapayat at sexy na modelo. Ang mga kabataan na nakaknood nito ay nahuhumaling sa magandang katawan ng mga modelong ito at sila ay paminsan nagiging anorexic dahil kapag nakikita nila ang mga ganito kapayat na katawan gusto nila maging ganito rin katulad nila. Para sakanila kapag ganito sila kapayat ibig sabihin sila ay maganda kaya ang mga kabataan ay nagpapayat ng ganito ngunit sa tingin nila kapag mas payat pa sila dito sila ay mas gaganda pa kaysa sa mga modelo sa telebisyon.

Mayroon din naman itong positibong epekto kagaya ng mga isang “ad” ni Joyner Kersee na nanalo ng gold medal sa track and field. Siya ay modelo ng isang magasin hindi mamahalin ang kanyang suot at para lang siyang normal na tao. Ipinapakita nito na ang mga kabataan ay dapat mahumaling nalang sa mga isports at wag na sa ibang bagay tulad ng drugs at pagiinom. Ang pangalawa na malakas makaimpluwensya sa mga kabataan ay ang kompyuter sinasabi na kapag an gang bata ay masyadong gumagamit ng kompyuter siya ay bumabagal sa kanyang mga gawain sa eskwelahan. May nagsasabi na kapag ang bata ay masyadong nasa harap ng kompyuter palagi nagiging bobo ito sa academic niya na pagaaral katulad ng math at reading.

Ang kompyuter sa bahay ay may negatibong epekto dahil kadalasan hindi na makausap ng magulang ng maayaos ang kanyang anak dahil ito ay naglalaro o’ may ka chat maari rin magamit ang internet sa pornography at iba pang mga bagay na hindi karapat dapat sa kabataan. Mas pinipili ng mga kabataan ang maglaro sa kompyuter imbes na magamit ito sa pagaaral. Ngunit may mga positibo rin itong epekto kapagito ay gagamitin sa maayos na paraan katulad ng pwede mapadali ang isang research na papel dahil sa internet access nito. Hindi na mahirap maghanap ng kailangan dahil isang type lang lalabas na lahat ng website kung saan ito mahahanap. Ang panghuli na mabilis makaimpluwensya ay ang cellphone halos lahat ng kabataan ngayon ay may cellphone paminsan hindi lang iisa mayroon dalawa pa o’ higit pa. ang cellphone ngayon ay ang isa sa pinakamagaling na naimbento para mapadali angbuhay ng mga tao ngunit ang mga kabataan ay nakakhanap ng paraan para ito ay magamit sa masamang paraan.

Ang text messaging ang pinaka-popular na ginagamit para makipagusap dahil kahit ilan maaari mong makausap gamit ito ng isang araw. Mayroon insidente na ang estudyante at ang kanyang guro ay nagkaroon ng relasyon sa pamagitan ng text. Sila ay nakapagusap pagkatapos ng klase gamit ito ng walang nakakaalam. Maari rin gamitin ang text sa pangongopya sa mga pagsusulit sa eskwela dahil kung ikaw ay mabilis magtext at kahit hindi ka na tumingin ay mahirap ka talaga mahuli ng guro. Sinasabi na kapag ikaw ay may walang cellphone hindi ka “in” ikaw ay mamaliitin ng mga tinedyer na mayroon. Nakakaroon ng tendency ang kabataan na maramdaman na sila ay outcast o’ hindi “cool”.

May mga positibo rin na epekto ang cellphone dahil may Sydney na sinabi na ang cellphone ay nagging magandang kalaban ng mga sigarilyo dahi nabawasan na ang mga kabataan na naninigarilyo. Mas pinipili nila maglaro sa kanilang cellphone at bumili ng mga gamit na magpapaganda sa kanailang mga telepono tulad ng mag accessories at kung anu-ano pa.

1 comment:

sHeRrY said...

THis is still very interesting even though I alrd have general info about this but only in english^^,
I thought about including this in my thesis since its suppose to be in filipino(i have a hard time in that language)but ur other post captured me&&I think I'll b settling on ur other post.. I'll still read this someday to enhance my filipino just not now bcoz im bc:]

BTW TY for the entry^^]